Mga naisalin na paksa
Full Description
pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus
Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus
sa panulat ni: Fatin Sabri
Walang kanlungan mula sa Allah maliban sa Kanya!
Noong ako may maliit pa lamang napamahal na sa akin ang katagang “Walang kanlungan mula sa Allah maliban sa Kanya”, at lagi ko itong inuulit upang maramdaman ko ang aking pagiging malapit sa Allah, ngunit hindi ko masyadong naitindihan ng maayos ang tunay na kahulugan nito, hanggang sa may naganap na isang nakakatawang pangyayari sa aking buhay higit sa dalawampung taon na ang nakalipas, noong maliit pa ang aking anak, na hindi hihigit sa edad na tatlong taong gulang, iginigiit niya na laging hawakan ang oven (hurno) ng pagluluto habang ito ay mainit pa, hanggang sa umabot ang sitwasyon na kailangan kong paluin ang kanyang kamay upang siya ay pigilan na at hindi na bumalik sa kanyang ginagawa; at siya umiiyak at tumakbo paikot-ikot sa loob ng bahay hindi niya alam saan siya pupunta, nagkasabay ang pangyayaring ito at ang pagtawag ng kanyang ama sa kanya upang siya ay patahanin, ngunit ang nakapagtataka, siya ay bumalik sa akin ng derekta sa halip na pumunta sa kanyang ama, at siya ay umiiyak sa aking kwarto na dahilan na ikinatawa ng kanyang tatay, at kanyang sinabi: kaluwalhatian sa Allah. Pero ako, naalalala ko ang Sabi ng Allah sa Banal na Qur’an:
"Walang kanlungan mula sa Allah maliban sa Kanya"
at sabi ko sa aking sarili, sa ngayon ay lubos kong naintindihan ang tunay na kahulugan ng talatang ito. Ang Allah ﷻ ay nagpapaalala sa atin na kapag naharap tayo sa ilang mga kapahamakan o problema, tayo ay bumalik sa kanya sa tuwing tayo ay lumayo sa kanya, at pagkatapos ay nakaramdam ako sa oras ding yaon ng isang malaking kagalakan at kasiyahan.
Ang Virus corona at Ang Karunungan ng Allah:
Katotohanan na ang mga kaganapan ng nangyayari sa mundong ito mula sa mga sakuna na pumipinsala sa sangkatauhan katulad ng mga sakit, pagputok ng bulkan, lindol at mga baha ito ay bilang paglalahad ng mga pangalan at katangian ng Allah, at ito din ay bilang pagsubok, pagsusulit sa tao upang siya ay gantimpalaan ng kabutihan kapag siya ay nagtimpi at nagtiis, at kaparusahan kapag siya ay nainis at nagalit, kaya’t dito makikilala ng tao ang ganap na kadakilaan ng kanyang panginoon sa pamamagitan ng mga pagsubok, katulad ng pagpapakilala Niya ng Kanyang kagandahang loob sa pamamgitan ng pagbibigay ng mga pabor o kabutihan sa kanyang alipin, kaya’t sabi nila: kung ang tao ay walang kaalaman patungkol sa mga katangian ng Allah maliban sa katangian ng kagandahan ng Allah ay parang hindi niya kilala ang Allah ﷻ.
Isang araw tinanong ako ng isa sa kanila hinggil sa mga yaong dumatal sa kanila ang mga pagsubok katulad ng sakuna, mga sakit at iba pang mga uri nito at ang simpleng isinagot ko sa kanya: tunay na ang buhay sa mundong ito ay panandalian lamang kung ito ay ihahalintulad sa buhay sa huling araw na walang hanggan, at pagkatapos ay magiging magaan o madali lamang ang lahat ng mga paghihirap na dinanas ng mga mananampalataya sa mundong ito sa pamamagitan ng isang pagsawsaw lamang sa mga biyaya ng paraiso, katulad ng ibinalita sa atin ng mahal na Propeta ﷺ
Katotohanan na ang pagkakaroon ng mga malalaking problema, kasamaan at sakit ang dahilan sa likod nito ay ang pagdami ng mga taong walang paniniwala sa Diyos na mula sa mga bagong philosopher ( pilisopo), at kabilang dito ay si philosopher “Anton Garrad Newton Flew” na kung saan siya ay naniwala sa pag-iral ng diyos bago siya binawian ng buhay at sumulat siya ng isang aklat na pinamagatan niya “ Mayroong Diyos” na kung saan siya ay kabilang sa mga pinuno ng mga tao ng hindi naniniwala sa diyos sa ikalawang kalahati ng ikadalawampung siglo, at noong pinaniwalaan niya na mayroong diyos kanyang sinabi: “Ang pagkakaroon ng kasamaan at sakit sa buhay ng tao ay hindi itinatanggi ang pagkakroon ng diyos”, pero hinihikaya’t tayo nitong suriin muli ang mga katangian ng diyos, at itinuturing niya -Anton Flew- na ang mga sakuna na ito ay may mga positibo o magagandang resulta, na kung saan pinasisigla nito ang mga panlabas na kakayahan ng tao, kaya’t sila ay nagsusumikap na gumawa o lumikha ng mga bagay upang mapanatili ang kaligtasan, katulad kung paano pinapasigla nito ang pinakatampok ng katangian na kanyang sikolohikal upang magtulak sa kanya sa pagtulong sa mga tao. Katiyakan ang pagkakaroon ng kasamaan at sakit ay nagdulot ng kabutihan sa pagbuo na mga sibilisasyon ng tao, At kanyang sinabi: tunay na hindi mahalaga kung gaano karami ang mga nagbibigay ng pagpapaliwang tungkol sa suliranin na ito, ang interpretasyon ng relihiyon ay mananatiling mas katanggap-tanggap at mas naaayon sa likas na katangian ng buhay.
Nakikita ng isang mababaw na pagmumuni-muni ang pagdurusa na dulot ng sakit ng corona, pagkamatay, at ang kahihinatnan na pagtigil sa lahat ng mga aktibidad ng buhay at pananatili ng mga tao sa kanilang mga tahanan upang maiwasan ang sakit na ito, at nakikita niya na ito ay kasamaan walang pagdududa, maliban na ang kasamaan na ito ay bahagi lamang at hindi ganap, kaya kung susuriin natin ang sitwasyon mula sa ibang anggulo, malalaman natin na ang proporsyon ng polusyon sa panahong ito ay nahulog sa pinakamababang antas nito sa buong mundo dahil sa paghinto ng trapiko ng hangin at sasakyan, na kung saan ay humantong sa pagbabawas ng mga paglabas mula sa mga makina na ito na dumudumi sa kapaligiran na para bagang ang mundo at ang kapaligiran ay pumasok sa isang yugto ng pagbawi sa panahon ng pagkalat ng sakit na Corona. Kaya’t ang isang tao ay dapat sumasalamin at isaalang-alang ang kanyang mga gawain sa buhay.
Ang sitwasyong ito ay nagdulot ng pagsasama-sama ng mga pamilya sa loob ng mga tahanan, katulad ng pagpapaalala sa kanila ng mga pagpapala ng Allah, at ang kanilang mga pagkukulang sa papuri at pasasalamat sa Panginoon ng sanlibutan. Ang isang tao ay hindi niya mararamdaman ang mga biyaya maliban hanngang sa ito ay mawala.
Sinimulan din ng mga tao ang kahalagahan ng kalinisan nang higit pa kaysa dati, at kahalagahan ng pagsunod sa mga pamamaraan ng proteksyon upang maka iwas at ang paggamit ng mga disimpektante nang labis, at paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig sa lahat ng oras at pagkakataon, Sino kaya ang inaasahan na mangyayari ito?
Kung walang Diyos, kung gayon saan nagmula ang kabutihan na ito?
Ang nagtatanong mula sa mga hanay ng mga ateyista tungkol sa kadahilanan ng pagkakaroon ng kasamaan sa mundong ito bilang isang paraan upang tanggihan ang paniniwala ng pagkakaroon ng Diyos, ipinahayag sa atin ang kanyang maikling pananaw at ang pagkasira ng kanyang pag-iisip tungkol sa karunungan sa likuran nito, at ang kawalan ng kanyang kaalaman sa panloob ng mga bagay, at inamin ng ateyista na ito sa pamamagitan ng kanyang katanungan sa pagpapahiwatig na ang kasamaan ay isang pagbubukod.
Pagkilala sa Allah
Ang Tunay na kahulugan ng Konsepto ng Diyos:
Upang mailahad ang ilang mga pananaw kung gaano kalaki ang pagkasira ng ugnayan sa pagitan ng mga tao at ng Panginoon ng Sanlibutan, ilalahad ko rito ang isang kwento na nangyari sa akin sa isang babaeng ateista na nagsabi na pagkatapos niyang maniwala noon sa Allah siya ay naging isang ateista. Kaya tinanong ko siya tungkol sa dahilan at sinabi niya: Ang kanyang anak na babae ay nagkasakit ng cancer at nanalangin siya sa Allah na iligtas ang kanyang anak na babae, at dati siyang nananalangin sa Allah at sinabing: Kung ang kanyang anak na babae ay makakaligtas, maniniwala siya dito, at ang batang babae ay namatay at ang ina ay nawalan ng paniniwala sa Allah.